Nais lang naming ipaalala ang hiling na “tulong” ng ating mga kababayang OFW sa Saudi.
Ang kahilingan nila’y makauwi sa kanilang mga pamilya sa dito sa Pilipinas.
Sa tangapan niyo pangunahin na sana ay isa sa tutugon sa tulong na kailangan nila.
Ilagay niyo rin sana ang inyong katayuan sa kanila.
Bilang isang Pilipino nadarama din namin ang hirap at sakit ng malayo sa mahal sa buhay.
May mga pamilya din silang naghihintay na makabalik sila ng payapa sa bansang Pilipinas.
Bilang sangay ng Gobyerno tungkulin niyong pangalagaan ang tinuturing nating bayani.
Tama na ang paligoy ligoy na kesyo ganito kesyo ganun, aksyunan niyo sa lalong madaling panahon!
Huwag unahin ang sarili kundi ang serbisyo sa bayan!
#SPOTTED: POEA Website Defaced by Anonymous Philippines
