“UNLI” by FLOW G (Official Music Video – Lyrics)


1 share

UNLI #UNLI FLOW #FLOW

Produced by Flip-D

Directed & Edited by JC Enchanes

Shot by Errol Montegrande

Ex Battalion Music™

“UNLI” by FLOW G Lyrics

Ngayon palang magpapaumanhin nako
Kasi baka ulo nyo masira ko
Maninipa ako ng mga nagsabing mahina ako
Makinig kayo bihira to

Madalas na marinig, Sa kanta napakilig
Kasi malikot ang diwa ko
Iba yung pinapakita ko, para ‘di nila makita na may tira ako

‘di nakita nyo, madulas ang dila ko, kaya pagka pumitik klaro
Kung usapang linya naman ay mabisa, kaya gusto nila makabisado

(Bleeeh)

Di man ako magaling kumanta, pero hindi to pipiyok kase nag tisa ako
Pag ako sumargo kalat sigurado, kahit lapis lamang ang gawing tako
Buti na nga lang naka ngiti pa ‘ko, kahit andami na nilang mga ngiting aso

Inaasinta ako, kaso di sila asintado, kaya ‘di ako apektado, iba magisip kasi laking kanto, pa patol lang ako kapag kikita ako, kaya minsan lang ako maging gago, pag yung kabaliwan ko binisita ko kung usapang multi mabuti nalang naparito ka halika papakita ko

Dami ko kasing itinabing bago, kung susumahin siguro animnapung sako, tsaka balita ko galing sa bibig nyo madali kamo, osige gawin nga ‘to pag hindi nyo nagawa ay para nyo naring inaming ‘di nyo kaya na itumba ako

(Bars)

Nasa top ng mga flip, hindi marunong magdamit inuuna yung salawal sa brief, lahat galing galingan at baliw baliwan para mapansin ulit pag ‘di na sila click, mga barbero na hindi marunong mag gupit dinadaan na sa kulit para masabing malupit, parepareho na yung trip para san yung mga barang masakit, bibilib lang ako ‘pag nailapat nyo sa beat

Madaming magagalit diyan, pero bago makalapit matik yan, punit-punit kaya nagagalit yan, walang Avid fan, at wala ring fans sa piso net, kitang kita na naman yung difference sa kanila pag kami gumawa hindi pilit, tas kung sino pa yung mga silhoutte nagpapanggap na matigas pero galawang impotent

Pero yung mga legit nakakasama ko sa pic kase nakakasama ko sila sa gig, at yung mga naiingit hindi sila makadikit kase hindi nila maamin na nabibilib, kaso halata na kid, mga galaw na weak, hinding-hindi kayo masasagip, sa makatuwid may pag-asa lang sila makatawid, pag yung pangalan ay kung saan saan ikakabit

Ganito dumikdik siksik mabigat sa dibdib alam kong hindi nyo ‘to inexpect, inakala nyong gawa ng intsek kaya wala kayong ideyang ganito kalintik. Kahit na sa mga liblib kumakalat ang pangalan namin na binitbit habang yung mga gumigitgit ay nakakalat kaya minsan parang ang sarap nila iligpit

Puro parining kala nyo diko naririnig madalas kasi hindi nalang ako umiimik matagal na panahon ko ng gustong mangalabit kaso iniisip ko may bata na nakikinig

Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit unlimited kahit yung bawat titik ay hindi tinitipid nagdidikit-dikit ngayon mag-iisip ka kung bat ganto ako mag-isip hindi nagigipit, at kahit na naka pikit, naka dilat o tirik man ang mata wala kana masisilip na icorrect isipin mo nalang kung pano ko sinet tahi tahi yung salita parang napunit na damit ito na yung katotohanang masakit na, nung kami umentra yung mga bida ay naging extraa, nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa yung eto ebidensya ang laki ng diperensya


Like it? Share with your friends!

1 share