Bubble Gang's Michael V. 'Gayahin Mo Sila' a Hayaan Mo Sila Parody Aired March 9, 2018. Class B, mag-ingay! Gaya-gayahin mo sila, para sumikat ka.
'Gayahin Mo Sila' by Class B Tayo (Hayaan Mo Sila Parody)

GAYAHIN MO SILA LYRICS


"Gayahin Mo Sila"

(Gayahin Mo Sila Lyrics)

Yeaaaah yeah yeah yeah
Copycat class B!

Viral video na naman
Ang bilis sumikat nyan
Pwede mong pagkakitaan
Dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig
Ay iisipin pa

Gayahin mo sila
Mas madaling mangopya
Para patunayan ko
Manggagaya lang ako
Pero bukas lang
Magugulat ka
Mas sikat na'to ohh ohh

Kaya wag nang um-effort pa
Kaya wag nang um-effort pa

Tengga na naman tayo
Wala ng bagong mailuto
Ano kayang mapapa-uso
Para marami ang maloko
Hanap-hanap lang sa youtube
At instagram

Ano ba ang nagte-treding
Nung nakaraan
Ilang beses ka na rin
Namang kumita dyan
Ayaw mo lang naman
Kasi na mahirapan
Sige gayahin mo na
Now- now- now
Para lang mas madali
Di kailangang mag effort
Bat ka pa mag-iisip

Pag may sumita kamot
At sabay ngiti
Ang akala ko 
E okey lang kasi

Pakopya-kopya lang
Para lang naglilibang
Na-inspire lang naman
Hindi naman nanlalamang
Dapat patunayan n'yo
Na ginagaya ko yan
Dahil kahit san tingnan
May- may- may
Lusot ako dyan

Alam kong masama
Yung style ni Juan Tamad
Pero mas masama naman
Kung mag-post ng nakahubad
Kahit ang dami na natin
Na lahat magkamukha
Lahat tayo mukhang tanga
Hindi naman ako mag-isa

Pakinggan nyo ko
Kung pati kayo naloko
Tignan nyo gayang-gaya
Ko na kayo oh..
Tignan nyo magva-viral
Na rin ako
Sinasabi ko sa'yo
Two days lang sikat nato

Viral video na naman
Ang bilis sumikat nyan
Pwede mong pagkakitaan
Dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig
Ay iisipin pa

Gayahin mo sila
Mas madaling mangopya
Para patunayan ko
Manggagaya lang ako
Pero bukas lang
Magugulat ka
Mas sikat na'to ohh ohh

Kaya wag nang um-effort pa
Kaya wag nang um-effort pa

Mapapansin ba nila
Pag ikaw e tumapat
Andami dyan ngayong
Sa pagsikat naaatat
Gustong ma-feature
Sa mga issue sali lahat
Sa mga tao nagfi-feeling
Medyo kadiri feeling sikat
Who U ka bakit
Ka ba nakikisabay
Mali-mali ang mga hirit
Pare sobrang sablay
Tinatawanan nyo pero
Kayo ang ninakawan
Dahil parang kayo
Naman ang naiisahan

Kaya gayahin mo sila
Pero pabor sayo
Di nila alam na puwedeng
Bara-bara tapos sa'yo na
Nakikinig ang mga tao
May lumipat nang iba
Konti na lang pare
Mas sikat ka na sa kanila

May nagsabi na sayong
Wag nang umulit
Ang kulit mo rin
Pasaway ka

Hey! Hey!
Sangkatutak na na tao
Ang nagalit
Manggagaya ka na
Naman ng iba
Ah yeah!

Bakit ba magagalit
Kayo sa akin
Kapag sikat ka pare
Ikaw e gagayahin
Di inamin mo lang
Na pikon ka (pikon ka!)
Ang pikon, talo
Wag ka nang ano, laos ka

Pero pag nanggaya ka
Dapat hindi masama
Babali-baliin para
Di masyadong halata
Darating din ang araw
Malapit na mula ngayon
Wala nang gagayahin kundi
Ang sarili mo e pano yon?

Viral video na naman
Ang bilis sumikat nyan
Pwede mong pagkakitaan
Dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig
Ay iisipin pa

Gayahin mo sila
Mas madaling mangopya
Para patunayan ko
Manggagaya lang ako
Pero bukas lang
Magugulat ka
Mas sikat na'to ohh ohh

Kaya wag nang um-effort pa
Kaya wag nang um-effort pa

Wag kang mag-alala
May mangagaya ring iba
May nanggagaya nga
Nung ginagaya rin nila
Meron din na nanggagayang
Gayang-gaya talaga
Minsan nga kala mo orig
Pero nanggagaya rin pala
Ang hindi mo alam
Kinokopya na lang
Ang lahat walang pinipili
Maka-kopya lang
Kaya sige na lang
Kahit na papano lang
Dahil buong mundo
Nababaliw, nabubu-ang

Sa mga yan kaya kahit na
Lokohin mo sarili mo
Sumasakay ka lang
Sa mga trip ng ginagaya mo
Wag lang may makapansin
Naku may hahabol sayo
Sana sa ex-battalion
Eh makalusot ako

Di-di-di
Di na mapigilan ang ganap (Ang ganap)
Ang original mahirap
Pag manggaya masarap
Ano bang klaseng 
Pag iisipan yan?
Bakit nanggagaya
Di ba kaya mo naman?
Sayang ang galing mo pare
Napanood kita alam kong
Malupit ka dati
Kahit lahat sila
Ganyan ang sinasabi
Alam ko na ang talent mo
Naman e grabe

Wag sayangin ang yong
Time, time
And your life
May original kang style
Bat di mo try?
Pati si Michael V.
Na idol nyo
Kala nyo matino
Parang tanga ginaya
Nya pa to ohh

Viral video na naman
Ang bilis sumikat nyan
Pwede mong pagkakitaan
Dapat mautak ka lang
Ang problema sa orig
Ay iisipin pa

Gayahin mo sila
Mas madaling mangopya
Para patunayan ko
Manggagaya lang ako
Pero bukas lang
Magugulat ka
Mas sikat na'to ohh ohh

Kaya wag nang um-effort pa
Kaya wag nang um-effort pa

Gayahin mo sila
Gayahin mo sila
Gayahin mo sila
Pero pabor sa'yo

Gayahin mo sila
Gayahin mo sila
Gayahin mo sila
Pero pabor sa'yo

Gagayahin ko sila
Gagayahin mo sila
Gagayahin mo sila
Pero pabor sa'yo

Gagayahin ko sila
Gagayahin mo sila
Gagayahin mo sila
Pero pabor sa'yo



YOUR REACTION?

Facebook Conversations


Disqus Conversations