ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SAYO KONSEHAL JANUVER AKA REGAN TIAMSON NG ANGONO, RIZAL

Date:

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SAYO KONSEHAL JANUVER AKA REGAN TIAMSON NG ANGONO, RIZAL

Bilang isang halal na Konsehal at Lingkod Bayan, hindi mo na dapat pinatulan ang anumang komento at paninira laban sa iyo sa halip tanggapin mo ito ng may malawak na pang-unawa at ituring bilang isang malaking hamon upang mas lalo pang mapagbuti at mas mapag-husay ang iyong piniling propesyon (pulitika).

Hindi mo kailangang sabihin pa na kilalanin ka ng taong sinasabi mong nambastos sayo dahil ang paggalang at respeto ay hindi naman natin dapat hinihingi. Ito ay kusang Loob na ibinibigay at ipinapakita kahit hindi mo sabihin. Lalo nat isa kang Kagalang-galang na kasapi ng Sangguniang Bayan.

Konsehal, nakakalungkot na walang pag-aalinlangan mong pinangalanan ng direkta ang isang ordinaryong mamamayan na (maaring) minsan ay sumuporta at bumoto din sayo nuong ikaw ay nagsisimula pa lamang kumandidato bilang konsehal.

- Advertisement -

Na ang buong katotohanan ay hindi mo naman talaga narinig mula sa kanya ang salitang isinusumbong mo sa ating mga kababayan, kaya naman hinahanap ko tuloy ang salitang respeto at paggalang na gusto mong ibigay seo samantalang ikaw ang unang nag-alis ng respeto at paggalang sa iyong sarili dahil nakinig ka lamang sa sabi-sabi at agad na HINUSGAHAN at PINAGBINTANGAN ang kawawang pobre na isang (babae) sa katauhan ni Monette Adrias na Tiga Mahabang Parang ayon na din sa iyong pahayag.

(Konsehal Januver Quoted)

Please share…

Duon po sa nagsasabi na”binabasa ko pa ang speech ko at kung matalino ako dapat walang binabasa at ako pa ang dahilan kung bakit nasira ang NP-NACIONALISTA PARTY…- galing po ito kay Monette Adrias na tiga Mahabang Parang…

 Hindi sukatan ng katalinuhan ang pagtatalumpati ng walang binabasa, dahil kahit ang pinakamataas na lider ng bansa ay nagbabasa din ng kanyang talumpati gamit ang teleprompter at duon ay nakasulat ng maayos at malinaw ang lahat ng kanyang ipapahayag.. Tulad ng iyong ginawa, na sanay anuman ang sabihin ng iba dapat ay bukas ka sa malayang komento, positibo man o negatibo.

 Ang Tunay na Lingkod Bayan ay hindi nagpapadala agad-agad sa bugso ng kanyang damdamin sa halip ay malaya niya itong lilimiin at tatangapin upang pag-aralan at pag-isipan kung paano mas mapapabuti at mas mapupunan kung mayroon mang pagkakamali at pagkukulang.   

Kung sinasabi mong isa kang tunay na Anak ng Nacionalista at may Dugong Nacionalista alam mo dapat na ang Bayan higit sa lahat. Bakit mo ituturing na ikaw ang dahilan ng pagkasira ng partido gayong nananatili naman itong buhay at solido sa kabila ng iyong pagiging abala sa maraming bagay. 

Tanong lang po?? Sa loob ng iyong (2) Termino bilang Konsehal at  kinatawan ng partido Nacionalista may nagawa ka ba para pag-isahin at muling pagbuklurin ang partidong ipinamana at ipinamahala sayo ng nag-iisang Mayor Alamat?

 Nagagalit ka ba dahil may pumuna sa naging pamamaraan mo ng pagpapakilala ang iyong pagbabasa, kaya ba nakapagbitaw ka ng ganitong pahayag?

( Konsehal Januver Quoted )

Namumuro ka na sa pang babastos mo sa akin pinalagpas ko lang yung iba…napakawalang galang mo.. 

Isa kang Kagalang-galang na Konsehal ng Bayan at hindi ordinaryong mamamayan lamang, subalit sa tema ng iyong naging pahayag ay tila ibinababa mo ulet ang iyong sarili na tila baga nakalimutan mong konsehal ka. Lahat ba ng taong pupuna sayo ay pagsasabihan mo din na namumuro ka na at pinalagpas mo lang yung iba? Paano kung yung taong pinagsabihan mo ay hindi lang din basta ordinaryong mamayan?

Si  Monette Adrias na tinutukoy mo ay isang babae, ina at anak – lider sa kaniyang komunidad na may kalayaan at karapatan na ipahayag ang kanyang pinaniniwalaan. Sa tamang paraan at tamang pagkakataon, subalit HINUSGAHAN mo at pinagbintangan dahil ba sa nagkataon lamang na hindi ikaw ang kanyang ini-endorso??

 Bilang isang CONCERNED CITIZEN ng ating bayan, Konsehal nasa ikatlong termino ka na huwag mong hayaan na masayang ang lahat ng iyong pinaghirapan dahil lamang sa mga salitang SABI-SABI at mga kuwentong hindi naman ikaw ang personal na nakadinig. May kasabihan ang taong naniniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili.

As long as na alam mong wala ka namang ginawang mali, ITUON mo ang iyong isip at paningin sa landas na iyong tinatahak upang hindi ka madapa. Wag mong patulan ang taong pumuna sayo sa halip  ay PASALAMATAN mo dahil sa kanya ikaw ay may NATUTUNAN. Maraming Salamat.   


Share post:

Subscribe

Popular

More like this
Related

Davao City Ranks Second in Cleanest Cities in Southeast Asia

Davao City, known for its scenic landscapes and progressive...

KMC Startup Awards 2024: Celebrating Innovation and Entrepreneurial Excellence in the Philippines

The KMC Startup Awards are back for a second...

Explore the Future with Tech News Portal: Your Go-To Source for Tech Updates

In a world where technology evolves at breakneck speed,...

Get Ready for Apple’s September 2024 Event: Key Updates and What to Expect

Apple fans and tech enthusiasts alike are eagerly awaiting...