President-elect Duterte iniutos ang pamamahagi ng Coco Levy

Ito ang hayag ni incoming Dept of Agriculture Secretary Manny Pinol tungkol sa kagustuhan na ipamahagi ni Duterte ang Coco Levy Funds sa mga magsasaka.


Article Source: PhPoliticsNews

Piñol: Duterte, ipinag-utos na ang pagbabahagi ng Coco Levy fund

Inihayag ni Incoming Agriculture Secretary Manny Piñol na inatasan na ni President Duterte si incoming legal advisor Atty. Panelo na simulan na ang pagbabahagi ng Coco Levy Funds sa mga magsasaka.

Ibinahagi ni President Duterte sa naganap na Cabinet meeting sa isang emosyonal o  ng isang emosyonal na issue ang usaping coco levy.

Dahil umano dito ay makakahinga na ng maluwag kahit papaano ang mga magsasaka ng niyog sa bansa.

Inaasahan ni Piñol na manunumbalik ang sigla ng coconut industry ng bansa kapag naibigay na ang coco levy funds sa mga magsasaka at masimulan na ang malawakang National Coconut planting Program.

Matatandaang ipinangako ni President Duterte sa kanyang kampanya na ipamamahagi niya ang Coco Levy Fund sa loob ng unang buwan ng kanyang panunungkulan.



Like it? Share with your friends!